|
** article from PEP, the one I translated above to fully understand what's being said about it.

Dina Bonnevie clarifies report that she supposedly doesn't like Kristine for son Oyo
Nerisa Almo Thursday, March 13, 2008
Dismayado ang seasoned actress na si Dina Bonnevie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang anak na si Oyo Sotto at sa napapabalitang apple of the eye nito ngayon na si Kristine Hermosa.
Matatandaang sa isang TV interview kay Dina, sinabi ng aktres, 慜yo and Kristine, huwag na lang.' Sa video, tila may pakahulugan ito ng hindi pagboto ni Dina kay Kristine bilang girlfriend ng anak niyang si Oyo.
Ngunit mariin naman itong itinanggi ni Dina sa press conference ng Babangon Ako't Dudurugin Kita kagabi, March 12, sa Oasis Manila sa Aurora Blvd., Quezon City.
"In-edit nila yun in such a way na, 慜yo and Kristine, huwag na lang,'" paliwanag ng aktres. "I said, 慜yo and Kristine, huwag na lang, ayaw kong mag-comment.' I meant, ayaw kong mag-comment because palagi akong nami-misquote. Yun na nga ang ikinatatakot ko, e, they'll interview me 'tapos puputulin nila, ie-edit nila. "
Dahil dito, pati ang anak na babae ni Dina na si Danica ay hindi napigilang magsalita sa kanya. Kuwento ni Ms. D (tanyag na tawag kay Dina sa showbiz), "Alam mo ba, nagalit sa akin si Danica? Sabi ba naman, 慚ommy, ang sama mo naman. Huwag na lang?' 'No! Sabi ko, 慜yo and Kristine, huwag na lang.' Gumanun ako [umiling]. I meant, huwag na lang, huwag mo na akong tanungin."
Sumunod nito, patuloy na nagpaliwag si Dina tungkol sa kanyang nasabi sa TV interview. Aniya, "Ayaw kong mag-comment kasi, like before, nag-comment ako about Angel [Locsin], nag-away kami ni Oyo. Nag-comment ako about Anne [Curtis], nag-away kami ni Oyo. Hindi ko inaaway ang mga girlfriend ni Oyo. Never akong nakikialam dahil hindi ako 憇tage mother.'
"Nakikialam lang ako kung makakasama. Pero ang tinanong ko lang, 慜yo, kung may asawa 'yan, huwag mong pasukin 'yan, anak. Huwag kang makialam sa buhay nilang mag-asawa.'
"慚ommy,' sabi niya [Oyo], 慼indi ako nakikialam sa buhay nilang mag-asawa dahil, unang-una, hindi naman na sila mag-asawa. Yun ang sinabi sa akin ni Tin [Kristine]. Pangalawa, hindi naman kami.'
"Then, I asked Tin myself, sabi niya, 慔indi po, Tita, wala po kayong kailangang ipagalala.'"
NO ROMANTIC RELATIONSHIP. Bilang ina ni Oyo, pinatunayan ni Dina na walang romantic relationship sa pagitan ng kanyang anak at ni Kristine.
Ayon na rin sa kanyang pagtatanong sa mismong binatang anak, "Hindi daw sila, magkaibigan lang daw sila. Then I asked Oyo again, sabi ko, 慘ayo ba ni Kristine?' Sabi niya magkaibigan lang daw sila."
Para kay Dina, hindi naman daw siya talaga nakikialam sa mga pakikipagrelasyon ng kanyang mga anak. Ang tanging concern lamang daw ni Dina ay baka masaktan ang kanyang anak, dahil nga noon ay kasal pa si Kristine kay Diether Ocampo.
Paliwanag ni Dina, "Sa akin, kaya lang ako nagtanong was because I thought she was still married to Diether. But nung sinabi niya [Kristine] na hindi naman daw sila kasal na.
"Hindi naman ako nakikialam sa buhay nila, e. Sa akin kasi, ang concern ko lang is kung mayroon pa silang relasyon ni Diether, ayaw kong manghihimasok si Oyo sa buhay nila. Kung wala naman silang relasyon ni Diether and open naman si Diether na wala na sila, nag-iibigan silang dalawa [Oyo at Kristine], e, di okay.
"Pero sabi nga ni Oyo, 慔indi kami, Mommy. Magkaibigan lang talaga kami.' Then, I asked Danica. Sabi ko, baka 'yang kapatid mo baka hindi lang umaamin 'yang bruhong 'yan, ha? Ano ba talaga? [Sabi ni Danica], 慚ommy, talagang magkaibigan lang 'yan. Galing nga sila sa bahay ko, e, noong anniversary namin.' And Kristine nga daw was saying na, 慦e're just friends.'"
UNCONDITIONAL LOVE. Sa kabila ng pagiging magkaibigan lang, naniniwala naman si Dina sa nasabi ni Oyo sa isang interview na "unconditional love" ang kanyang nararamdaman para kay Kristine.
"But it's true naman, e, sinabi sa akin ni Oyo," sambit ni Dina.
Dahil dito, pinaalalahan niya ang kanyang anak. Sabi niya, "Alam mo, sabi ko, 'Oyo, baka masaktan ka mamaya, you know, kahit hindi na sila. What if she [Kristine] decides to go back to him?'
"E, sinabi naman ni Kristine na, 慖'm not ready to be in a relationship because I'm still healing my wounds.' Ang sabi ko, 慖t takes time to heal yourself.' Kasi kawawa naman yung guy kung magiging rebound. Sabi ko, 慜yo, baka masaktan ka. Baka umaasa ka diyan 'tapos, di ba, hindi naman pala magiging kayo?'"
Sumagot naman daw si Oyo na hindi ito dapat ipagalala at ipinaliwanag na wala naman silang relasyon talaga ni Kristine.
Patuloy ni Dina, "'Tapos sabi niya [Oyo], 慚ommy, ang kulit mo, hindi ko naman siya nililigawan. Magkaibigan lang kami.' Sabi niya, 慚ommy, she's a very nice woman. Talagang saludo ako sa kanya. Napakabait niyang babae, napakaganda, masarap magluto, malinis, malinis sa katawan kahit na walang makeup, pati budhi at puso malinis.'"
Patuloy pa raw ni Oyo, "慚a, you know, I'm just willing to love her unconditionally. Kahit na hindi maging kami, kahit na... Kasi hindi ko naman siya talaga nililigawan, e. I just keep her company.' And maybe she keeps his company, too, dahil Oyo is also nursing his broken heart, di ba?"
--pep--
|
|